Ang mga tao sa pook na iyon ay namumuhay lamang ng simple, ngunit nagawa nilang manatiling masaya sa kanilang pang araw-araw na buhay.
Ang kanilang pinagkakakuhan ng kita ay ang pag-nenegosyo sa mga gawang-bahay na produkto na itinitinda sa mga dayo o turista.
Ilan sa mga itinitinda rin nila ay ang mga bagay na nagmula sa kweba, mga rosario, anting-anting at iba pa.
.....
Ang samahan sa Ciudad Mistica de Dios ay itinatag ni Maria Bernarda Balitaan.
Ang mga kinikilalang apostoles sa Ciudad Mistica de Dios ay sina:
- Andres Bonifacio
- Antonio Luna
- Apolinario Mabini
- Emilio Jacinto
- Garciano Lopez Jaena
- Gregorio del Pilar
- Juan Luna
- Marcelo del Pilar
- Melchora Aquino
- Miguel Malvar
- Pedro Paterno
......
Mayroon ding mga maliliit na lugar para sa kanilang nasasakupan. May ilang pagkakataon na ang mga kapilyang ito ay pinamumunuan ng mga kababaihan (o ang babae ang nagmimisa), hindi gaya ng ating nakagawian, ang mga lalaki (pari) ang nagmimisa sa ating simbahan.
Mayroon din silang mga nakasanayan na kaiba sa atin gaya ng pagsamba sa mga bato, puno at kweba.
.....
.....
Sa kabila ng mahaba at nakakapagod na lakad patungong Mt. Banahaw, marami pa rin ang matututunan na mga aral sa buhay na maaari nating gawing gabay sa ating buhay. Hindi lamang sa loob ng silid-aralan tayo may matututunan ngunit sa paglalakbay sa iba't ibang lugar gaya nito.
Sana'y maging inspirasyon sa ating ang mga mamamayan ng Ciudad Mistica de Dios, sa pagiging simple at malakas ang pananalig sa ating Diyos.
No comments:
Post a Comment